Si Virginia at Rodin ay sampong taon ng mag-asawa at malapit ang loob sa simbahan. Lagi silang nagpapasalamat sa mga biyayang natatamasa nila subalit iisa lamang ang nais ng mag-asawa, ito ay ang magkaroon sila ng anak. Sa sampong taon nila pagsasama ni minsan ay hindi sila napagkalooban ng anak. Kaya ang lungkot ay lagi nilang nadarama lalo na si Virginia, lagi lagi siyang nagdarasal upang magkaroon ng katuparan ang kanilang minimithi.
Dahil nga nasa panibagong henerasyon na, may nakilala silang Doktor na nagbigay sa kanila ng panibagong pag-asa. Sa pamamagitan ng matiyaga nilang pagpapagamot ay nabuntis si Virginia na naging dahilan ng kanilang pagkatuwa. Ilang buwan ang lumipas ay naisilang na ang sanggol at laking galak ang naramadan ni Rodin nang sabihing siya ang ama ng sanggol na lalaki. Subalit ang nararamdaman ni Virginia ay taliwas sa nararamdaman ni Rodin. Dahil sa taglay niyang mapagdasal at malapit ang loob sa Diyos ay nakakaramdam siya ng takot dito. Unti-unti nang nagaalinlangan ang kanyang pagiging ina.
Iniisip niyang ang sanggol na kanyang isinilang ay bunga ng kasalanan at hindi sang-ayon ang Diyos sa kanilang ginawa. Pakiramdam niyang kasakiman ang namutawi para makamit lang ang kanilang kaligayahan. Kaya iba ang naging trato niya sa sanggol, hindi niya ipinapakita o pinaparamdam kung ano ba ang taglay ng isang ina dahil sa sinisisi niya ito kung bakit siya nagkasala. May mga pagkakataon sinabi niya sa kanyang asawa na hindi nila ito anak dahil dala na rin ng pagkabaliw.
Kinabukasan matapos ang mga sinabi ni Virginia sa asawa, walang tulog at balisa ang puso ni Rodin. Nakita ni Virginia ang kanyang asawa na nagaapoy ang mga matang hawak ang sanggol at ang mga kuko sa daliri ay bumabaon na sa balat ng sanggol at galit na galit na sinakal ang sanggol na tinatawag na "bunga ng kasalanan" Napasigaw sa kaba si Virginia at iminulat ang kanyang mata, nakita niya ang nakangiting sanggol na nilalaro ni Rodin. Kinuha niya ito at pinagmasdan at dahil sa masamang panaginip natamo niya, nagliwanag ang kanyang isipan at sinabi ng may galak na itoy kanyang anak at sinangayunan naman ito ni Rodin. Sa kabila ng panaginip na yun ay masaya silang nanirahan kasama ang kanilang unang supling.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento