Martes, Nobyembre 8, 2016

Repleksyon (Bunga ng Kasalanan)

      Ang kwentong "Bunga ng Kasalanan" na isinulat ni Cirio H. Panganiban ay isa sa tekstong nakapukaw sa damdamin ng mga mambabasa. May mga pangyayaring hindi nila inaasahan na ganoon pala ang kahahantungan. Na dahil sa kwentong ito nagkakaroon ng palaisipasahan ang mga mambabasa sa mga susunod na  mangyayari. At nagbigay ang may akda ng motibo para basahin ang kwento.
       Hindi naman tama ang ginawa niyang pagtanggi na hindi niya anak ang sanggol na alam naman nating sa kaniyang sinapupunan nanggaling yun. Kahit na labag sa simbahan ang kanyang ginawa dapat minahal pa din niya ito ng taos sa puso. At kahit  isang panaginip lang ang nangyari na hindi ko inaasahan ay hindi dapat natin itong tulangan. Dahil darating ang panahon na magiging magulang din tayo na kakalinga at aalagaan ng maayosang ating mga anak.Hindi tama ang manisi tayo ng taong alam naman nating walang ginawang masama sa atin.
       Nakakatuwang isipin na sa kabila ng masamang panaginip mas pinili pa din niyang maging mabuting ina sa kanyang anak. Isa din sa dapat nating taglayin ang ang pagkakaroon laging ng pag-asa na makakamtan natin ang ating minimithi. Sapagkat alam nating may plano ang Diyos para saatin at siya lang ang nakakaalam kung ano ba ang dapat. Sa pamamagitan ng kwentong ito natuto tayong tanggapin natin dapat kung anong meron tayo at wag sisihin ang wala naman kasalanan.
      .    

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento